II. Panuto: Basahin at unawain ang pahayag, bilugan ang titik ng wastong sagot 11. Ito ay naglalaman ng mga datos na naglalahad ng patnubay mula sa pinaka mahalagang datos hanggang sa pinaka maliit na detalye ng mga pangyayari ukol sa balita A. Ulo ng balita B. Pamatnubay C. Katawan ng balita D. Panimula 12. Tumutukoy sa pamagat ng isang balita. Kailangang ito ay kakaiba at nakakuha ng atensyon ng isang mambabasa. A. Ulo ng balita B. Pamatnubay C. Panimula D. Katawan ng balita 13. Dito nakalahad lahat ng mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa. Ito ang puso ng isang balita A. Panimula B. Pamatnubay C. Katawan D. Ulo ng balita 14. Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari. A.panimula B.pang wakas C.pamatnubay D.ulo ng balita.