Sagot :
Answer:
Ang State of the Nation Address o SONA ay inihahayag ng Pangulo ng Pilipinas taon-taon. Dito, iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kalagayan ng bansa, ipinaaalam ang agenda ng pamahalaan para sa susunod na taon, at maaari ding magmungkahi sa Lehislatura ng ilang mga batas. Isang obligasyong konstitusyonal ang SONA, sang-ayon sa Artikulo VII, Seksiyon 23 ng 1987 Konstitusyon:
[Kinakailangang mag-ulat ng Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito.]
Dagdag pa, iniuutos din ng Artikulo VI, Seksiyon 15 sa Kongreso [Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado] na magtipon isang beses kada taon, sa ikaapat na Lunes ng Hulyo, para sa regular na sesyon nito.
Take care and stay safe :)