Sagot :
Answer:
Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanao. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon . Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un. Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng Agus VI