8. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko? A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse
10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao? A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.