Sagot :
Answer:
Malaki ang naitutulong ng wika sa panitikan dahil ang wika ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon at ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan na sinasalamin din ng panitikan bilang nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao. Masasabing walang panitikan kung walang wika, hindi uusbong ang panitikan kung wala ang wikang may maraming pinagagamitan at kahalagahan.
Explanation: