Sagot :
Answer:
Gubat ng Paghihingalo
(Bahagi ng Nobelang Mabuhay Ka, Anak Ko)
ni Phin Yathay
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Habang naglalakad pabalik para
sunduin ang aking pamilya, iniisip-isip ko
ang masamang kalagayang nasadlakan
namin. Sa kabila ng ilang malalaking
pununngkahoy, puro talahib, lumot at
tinik lamang ang gubat. Walang makapal
na bubong ng mga puno para maging
proteksiyon laban sa ulan.
Sinimulan naming linisin ni Sim- na
inampon ko na- ang sukal, kahit hindi ko
alam kung anong gagawin. Naglatag
naman ng mga banig si Any para
mapahingahan ng mga bata. Naghanap
kami ni Sim ng magagawang haligi
matapos maghukay. Tulad ng dati,
masaya si Sim, parang walang pakialam,
sumisipol pa ng kantang naging popular
noong bago magrebolusyon- “I am
rowing a boat! Rowing a boat! Rowing a
boat!”
“Tumahimik ka, Sim!” sabi kong
tumingin sa paligid. “Nakatatawag ka ng
pansin, hala ka.” Dapat sanang
natutuhan na niya ngayon na huwag
magpakita ng anumang tanda ng
kaligayahan.
Nang bandang hapon, naitali na
naming ng baging ang ilang haligi at
nagsisimula na kaming gumawa ng
bubong na kugon. Walang dingding.
Tinambakan ko pagkatapos ng bato ang
lupa para tumigas saka ko tinakpan ng
mga dahoon para maging patag.
Bago gumabi, tinawag kami
loudspeaker para kunin ang rasyong
pagkain. Kasama ng ibang lalaki sa
pamilya, nilakad namin ang landas
pabalik. Libo-libo kaming pumaligid sa
mesa, naghintay na isigaw ang aming
pangalan. Nagsiga ako nang dumilim.
Kasimbasa ng lupa ang mga kahoy pero
nakuha kong pag-apuyan sa tulong ng
layter na dala ko pa buhat sa Phnom
Penh, at matapos kayasin ang basang
balat ng kahoy.
Hindi pa kami nakararanas ng
ganitong kahirap na sitwasyon. Dati,
napapatira kami sa mga bahay na
nakaangat sa lupa at hindi kami
nababasa. Ngayon nakatirik sa lilim ang
aming kubo, pero lagi itong nababasa.
Umulan na bago pa man lumaganap ang
dilim. Ilang sandal pa’y kasing-basa na
ang nakapatong na dahon at banig sa
sahig naming. Nagtiis kami ng lamig at
pagkakabasa. Laging may sakit ngayon si
Staud. Malungkot kaming pinanonood ng
dalawang bata. Habang nagsisiksikan sa
paligid ng siga, nagkatinginan kami ni
Any at nagkaiyakan. Walang nagsalita
luha lamang ang salitang kailangan
namin, hindi para sa aming sarili, kundi
para sa aming mga anak.
Isang nakatatakot na bangungot
ang unang tatlong araw. Sa mga
sandaling humihinto ako sa paggawa ng
kubo, nananahimik ako, iniisip ang
kasawian naming, manhid sa ginaw at
takot, sakbibi ng kalungkutan. Si Sim
lamang ang laging masaya. Malakas siya,
walang responsibilidad, walang
gumugulo sa kanya. Siya ang lakas na
nagtutulak sa aming itayo ang kubo