Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan Isulat lamang ang letra ng sagot
1. Isang sangay ng panitikan na naging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao. A kuwentong bayan B.karunungang-bayan C., Alamat D. Epiko 2. Gumaganap bilang pagbibigay-diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan, isang pilosopiyang Pilipino na nagsisilbing gabay na nabuo sa paraang may tugmaan. A. Salawikain B. Sawikain C.kasabihan D.Bugtong 3. Akdang gumagamit ng mga salitang matalinghaga na nakatago ang kahulugan at nasusulat na may sukat at tugma upang masarap pakinggan A. Salawikain B.bugtong C kasabihan D. sawikain 4. Ito ay binubuo ng dalawang taludtod at ginagawa bilang libangan na kung saan may nagpapahula at humuhula. A kasabihan B. bugtong Csawikain D. Salawikan 5. Ano ang ipinapahiwatig ng kasabihang ito? "Isang kahig, isang tuka” A. pagtitipid B. kabutihan C. kahirapan D. karangyaan 6. Ano ang sagot sa bugtong na ito May dahon ma'y hindi halaman, Maraming mukha'y walang buhay, Ang laman ay karunungan A. kalendaryo B. tsinelas C. aklat D.niyog 7. Sino ang pinatutungkulan ng kasabihang "Tutubi, tutubi wag kang pahuhuli sa batang mapanghe"? A.mga magulang B.mga kabataan C.mga magsasaka D. magbubukid 8. Karamihan sa mga Pilipino ay isang kahig, isang tuka, kaya ipinatupad ng pamahalaan ang SAP (Social Amelioration Program) ngayong panahon ng pandemic Ano ang ibig ipahiwatig ng nasalungguhitang pahayag? A. may alagang manok B. kasya lang ang kinakayod na pagkain C mahirap pa sa daga D kailangan magbungkal ng lupa 9. Ang katagang “Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo" ay isang halimbawa ng_______? A. Salawikain B. kasabihan C. bugtong d.sawikai 10. Ano ang nais ipakahulugan ng sawikaing "BAGONG TAO"? A bagong panganak B. bagong mukha C.bakasyunista D. binat