👤

Yaring Pamilya

Sa aking mura’t kapos na isipan

Buti ng Diyos ang kinamulatan,

Pulos biyaya ang nakamtan

Sa aking mag-anak na kinagisnan.

Ang ama ko ay tunay na huwaran

Walang tatalo sa kanyang kasipagan,

Number one at super sa kabaitan

Mga anak itinuturing na kaibigan.

Kampeon naman ang mahal kong ina

Maunawain, masipag, at maganda pa.

Payo’t pangaral n’ya nasa puso ko na

Ilaw ng tahanang dulot ay saya.

At ito ang kaisa-isang kapatid

Siyang kabagang, tunay na kakampi

Sa araw-araw na siya’y kasa-kasama

Sa bawat problema siya ang kasangga.

Di man mayaman o tanyag yaring pamilya

Pagmamahalan nama’y nadarama tuwina

“Tumulong agad” layon ng bawat isa

Bigkis ng walis ang siyang kapara. Ano ang pinakapaksa o tema ng tula? ​