👤

24. Sa anong pamamaraan nakakatulong ang pagkakaroon ng tama at tunay na impormasyon para sa
ng sarili at pamilya?​


Sagot :

Answer:

Mahalaga ang pagkuha ng tamang impormasyon

Kung minsan, ang impormasyon ay sadyang inilalathala upang bigyan ng maling impormasyon o linlangin ang mga tao. Kapag ito ay inilathala sa ganitong paraan, tinatawag ito, kung minsan, na mga pekeng balita (fake news), maling impormasyon o sabwatang teorya.

Ang maling impormasyon ay hindi nakakabuti para sa atin lalo na sa panahong kailangan nating magtulungan upang labanan ang virus. Ito ay nagkakalat ng takot o kalituhan o pumipigil sa mga tao na gawin ang tama.

Hindi natin mahahadlangan ang maling impormasyon, ngunit matutulungan natin ang isa't isa na makilala ito. Kadalasan, ito ay:

nanggagaling sa isang tao na hindi nagbibigay ng kanyang pangalan

nagpapahayag na may impormasyong mula sa mga ahensya ng pamahalaan, ngunit hindi naman sinasabi ang pinagkunan

nagpapahayag na nagbabahagi ng impormasyong itinatago mula sa publiko, o na hindi nais ng mga opisyal na malaman mo

halos laging nagpapahayag na ang 'tunay na istorya' ay mas malala kaysa sa opisyal na impormasyon.

Sa panahong gaya nito:

mag-ingat kung anong impormasyon ang iyong bibigyang-pansin

tingnan ang kalidad ng impormasyon bago ito ipasa sa iba.

Maaari kang makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa mga pampublikong pahayag ng pamahalaan, mga website o mga channel ng social media.

Explanation:

sana makatulong