👤

ano Ang kaugnayan ng Taiwan sa pilipinas? pla i need answers​

Sagot :

Explanation:

Nagkasundo ang Pilipinas at Taiwan na parehong iiwasan ang paggamit ng pwersa o karahasan sa pagpapatupad ng batas sa pangingisda sa pinagtatalunang karagatan.

Batay sa anunsyo ng foreign ministry ng Taiwan, layon ng kasunduan na iwasang maulit ang insidente sa Balintang Channel sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Taiwanese fishermen na nauwi sa pagkamatay ng isang mangingisda.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Taiwan na ibahagi ang kani-kanilang maritime law enforcement procedures at bumuo ng proseso upang agad na maiulat ang anumang tensyon sa karagatan sa pagitan ng mga Pilipino at Taiwanese.

Bukod dito, magkakaroon din ng patakaran ang dalawang panig para sa agarang pagpapalaya sa mga nahuling fishing vessels at crew sang-ayon sa umiiral na international practice.

Inaasahang magpupulong muli ang mga kinatawan ng dalawang bansa kaugnay ng sistema sa mapayapang pangingisda kasunod ang ginawang pagpupulong noong nakaraang Biyernes. (UNTV News)

sana po maka tulong