Sapagkat tapos na nating tuklasin ang abot at kaya ng iyong kaalaman, batid kong handa ka na, kaya naman maaari na tayong humakbang patungo sa susunod na aralin. Balikan natin ang ating huling aralin. Suriin mong mabuti kung sa anong uri ng karunungang bayan napabilang ang mga sumusunod at isulat ang iyong kasagutan sa mga maliliit na kahong nakakabit sa mga ito.