Sagot :
Answer:
1. Si Marcelo H Del Pilar ay tinaguriang dakilang propagandista at siya rin ay kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pang-aabuso ng mga paring espanyol ipinagpatuloy niyang gawin ito sa espanya kung saan naging patnugot at tagapaglathala siya ng la solidaridad. Dahil sa pagmamahal sa sariling bayan ay isinantabi niya ang kanyang kapakanan. Sa simula ay maalwan ang kanyang kalagayan sa buhay, subalit tiniis niyang maghirap bandang huli, mapaglingkuran lamang ang kanyang inang sinilangan. Hanggang sa siya ay nagkasakit ng tuberkulosis at noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46, siya ay namatay.
2. Mga katangian ni Marcelo H. del Pilar;
- mapag mahal sa bayan.
- isang magaling na manunulat.
- mahusay na lider.
- may busilak na intensyon para sa bayang nasasakupan.
- Mahal ang mga kapwa nya Pilipino.
- handang mag sakripisyo.
- isang mabuting Pilipino.
Dahil sa pagmamahal nito sa bayan at bilang isang magaling na manunulat, ay ginamit niya ang mga ito para maipagtanggol ang bayang sinilangan.