Sagot :
Answer:Wika
Ang wika ay tumutukoy sa isang uri ng komunikasyong pantao. Ito ay maaaring gawin sa paraan ng pagsasalita o hindi kaya ay sa pagsulat. Ito ay mayroong sinusunod na masistemang balangkas upang magkaroon ng maayos na pakikipagtalastasan sa ibang tao. Sa kasalukuyan, mayroong halos 6,500 na sinasalitang wika sa buong mundo.
Sa Pilipinas, ang Filipino ang ating opisyal at nasyonal na wika. Ingles at Filipino naman ang dalawa sa pangunahing wika na sinasalita at sinusulat sa ating bansa.
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay mahalaga sa mga sumusunod na kadahilanan:
Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon
Ito ay nag uugnay sa mga tao
Ito ang nagsisilbing medium upang maipahayag ang ating damdamin
Gamit ng wika sa komunikasyon
Ang wika ay ginagamit sa ng tao sa pakikipagtalastasan sa kapwa tao. Ang wika ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Kung walang wika ay magiging magulo at walang kaayusan ang ating pakikipag usap sa iba.
Nag uugnay sa mga tao
Ang wika ay nag uugnay sa mga tao sapagkat ito ang nagbubuklod sa atin. Kapag tayo ay nakaririnig ng mga taong nagsasalit ng wika na kapareho sa atin, mas nagiging malapit tayo sa mga taong iyon. Halimbawa ang mga sumusunod:
Ang mga Pilipino ay magiging mas komportable sa harap ng mga taong nagsasalita at nakaiintindi ng Filipino
Kahit tayo ay malayo sa ating pamilya, sa pamamagitan ng wika ay napananatili ang ating ugnayan sa kanila
Wika bilang medium ng pagpapahayag
Ang wika ang isa sa mga natatanging paraan upang maipahayag natin ang ating saloobin at damdamin. Mas madali nating iparamdam sa ibang tao ang nais nating sabihin kung tayo ay gagamit ng wika. Halimbawa
"Aray! Masakit yan" - nagpapahayag ng sakit
"Aww...ang cute naman niyan" - nagpapahayag ng pagpuri
"Grabe! Nagulat talaga ako" - nagpapahayag ng gula
Explanation: