Sagot :
Answer:
Mahalaga ang teritoryo ng Pilipinas sa pamumuhay nating mga Pilipino. Dito natin kinukuha ang lahat ng ating mga pangunahing pangangailangan.
Ang pagtakda at pagsasabatas ng mga hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng isang estado ay isang mabisang paraan para maayos at ligtas na pamumuhay sa bansa.Malinaw ring naipahalaga sa buong daigdig ang hangganan na inaangkin nating pambansang teritoryo.
Mahalagang matiyak ang pambansang teritoryo ng isang bansa upang maiwasan ang anumang pakikialam ng mga dayuhan.
Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod:
• kapuluan ng Pilipinas, mga isla at mga bahagi ng tubig na pumapaligid dito
• mga teritoryong nasasaklaw ng soberanya ng Pilipinas
• kalupaan, katubigan at himpapawid nito
• dagat teritoryal, kalaliman ng dagat at kailaliman ng lupa nito
• kalapagang insular nito
• mga pook submarino nito
• mga karagatang nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa mga pulo at kapuluan
• mga lawak at mga dimensyon na nag-uugnay sa bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.