A. Suriin ang sumusunod na pangungusap o pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag at Mali kung hindi wasto ang isinasaad. 1. Ang Diariong Tagalog ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. 2. Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan na naglalayong makamit ang pagbabago sa kalagayan ng bansa sa mapayapang paraan. 3. Si Jose Rizal ay isa sa mga ilustradong lumaban sa mga Español sa panulat na paraan. 4. Ang Kilusang Propaganda ay gumamit ng panulat, papel, at karunungan upang maipakita ang kanilang hinaing sa mga kinauukulan sa mapayapang paraan. 5. Isa sa mga layunin ng Kilusang Propaganda ang pagkakaisa ng Pilipino at Español 6. Walang naitulong ang Kilusang Propaganda sa pagsibol ng nasyonalismong Pilipino. 7. Ang mga Ilustrado ay hindi nakatulong sa laban pangkalayaan ng Pilipinas. 8. Nagtagumpay ang mga repormistang makamit ang kanilang layuning maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas sa madaling paraan. 9. Ilan sa mga ginamit na paraan ng mga repormista upang makamit ang pagbabagong hinihiling ay ang pagsususlat ng nobela, tula at mga aklat. 10. Gawing lalawigan ng España ang Pilipinas ang isa sa layunin ng Kilusang Propaganda.