1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog”. A. Bob Ong B. Deogracias A. Rosario C. Lope K. Santos D. Nick Joaquin 2. Ito ang wasto at maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento. A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. sinematograpiya 3. Ang ay isang anyo ng tuluyang panitikan na naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. A. Alamat B. Epiko C. Maikling kuwento D. Pabula 4. Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento dahil ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya. A. kakalasan B. kasukdulan C. suliranin D. tauhan 5. Tawag sa wakas na tumutukoy sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. A kakalasan B. melodrama C. open-ended D. trahedya 6. Ito ang pinakamataas at pinakapana-panabik na bahagi ng kuwento. A. banghay B. kakalasan C. kasukdulan D. wakas