Sitwasyon Ang ating bansa ay mayaman sa mga likas na yaman kung saan ay dito natin nakukuha ang mga hilaw na materyales na ginagamit sa paglikha ng iba't ibang produkto. Kung ating pagninilay-nilayan, malaki talaga ang tulong nito sa atin, ngunit sa kasamaang-palad ay unti-unti nang nasisira at nauubos ang mga ito dahil sa labis na pangangailangan ng mga tao, pang-aabuso at kapabayaan.
Panuto: Gamit ang rubriks sa ibaba ay pumili ng isa sa mga sumusunod na isyung pangkapaligiran at ipaliwanag ang sagot sa katanungan. ► Pagkaubos ng mga puno sa kagubatan > Matinding pagbaha sa mga mabababang lugar >Pagdami ng mga basura sa ating paligid > Paggamit ng mga dinamita sa pangingisda > Polusyon sa hangin