👤

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang TITIK ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa: a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay. b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak. c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan. d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao. 2. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao? a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan. b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isip. c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon. d. Lahat ng nabanggit​