👤

Panghuling Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwadernong pang aktibiti.
1. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
2. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pag-unlad ng mga industriya
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pagkasira ng kagubatan
D. Pagkakaroon ng mga polusyon
3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa kontinente ng Asya?
I. Patuloy na pagtaas ng populasyon
II. Pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan III. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
IV. Ang pagkakaroon ng desertification o pagkatuyo ng mga lupain.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. I, III, IV.
4. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo't higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, Ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
5. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao. ​


Panghuling Pagtataya Panuto Basahing Mabuti Ang Mga Katanungan Isulat Ang Titik Ng Tamang Sagot Sa Iyong Kuwadernong Pang Aktibiti 1 Alin Sa Sumusunod Ang Mabut class=