MODYUL 2: PAANO HAHARAPIN ANG MGA NARARAMDAMAN? Matapos balikan, kilalanin at malaman na ang mga nararamdaman ay normal lamang paia. Ngayon naman ay maari itong harapin. Una na rito ang pagkakaroon ng oras na mapag-isa upang mapagnilayan ang sariling kakayahan sa pogharap sa iyong emosyon.
GAWAIN 3: Ang "Self-grounding meditation" ay pagninilay na paraan upang makapag-isip ng mas tama at upang payapain ang anumang negatibong emosyon Humanap ng isang tahimik na lugar sa loob ng bahay. Umupo ng naka- "Yogang position" at damhin ang iyong paghinga. Huminga nang malalim; dahan dahan at paulit-ulit itong gawin hanggang maramdamang magaan na ang iyong pakiramdam. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang katahimikan ng iyong sarili. Macari nang simulan ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga limang bagay na nakikita ng iyong mata; apat na nahahawakan ng mga kamay; tatlong bagay na nadidinig ng tenga, dalawang bagay na naamoy ng ilong at isang bagay na nalalasahan ng iyong bibig. Huminga ulit ng malalim at bumilav.g ng sampu habang dahan dahang iminumulat ang iyong mga mata. Isulat sa loob ng mga kahon ang iyong mga naisip.
![MODYUL 2 PAANO HAHARAPIN ANG MGA NARARAMDAMAN Matapos Balikan Kilalanin At Malaman Na Ang Mga Nararamdaman Ay Normal Lamang Paia Ngayon Naman Ay Maari Itong Har class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d03/73f0d80874daf3bf66fb318dff3e8006.jpg)