Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain
![Ibigay Ang Kahulugan Ng Mga Sumusunod Na Sawikain class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d21/6b1290825b342178b396a091a0ed34b8.jpg)
Answer:
Ang ibig sabihin ng salitang bukas-palad ay pagkakaroon ng positibong damdamin sa pagbabahagi, pagbibigay at pagtulong tungkol sa isang bagay o tao. Ito rin ay tinatawag na pagkakaroon ng bukal na kalooban.
Ang pariralang kapilas ng buhay ay isang idyoma. Ang kahulugan nito ay asawa o kabiyak. Ito ang tao na katuwang o kasama sa buhay upang makagawa ng pamilya. Ang kapilas ng buhay ay ang tao na handang dumamay sa hirap man o sa ginhawa. Ito ang bubuo sa iyo at kasamang tutuparin ang mga pangarap.
Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.
Kalimutan mo na ang nakaraan.
Ang ibig sabihin ng “itaga mo sa bato” ay kahit anong mangyari ay tutuparin ng iyong kausap ang kanyang ipinangako.
Ang nakalutang sa ulap ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma na nangangahulugang sobrang galak o saya ang nararamdaman o masayang-masaya.