👤

QUARTER 1) MELC: Nakasasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito TOPIC: Pasiya Mo, Pasiya ko sa ikabubuti ng Lahat DISCUSSION OF THE TOPIC: Ang pagbibigay halaga at pagmamahal sa ating pamilya ang nagbibigay sa atin ng lakas upang malampasan ang anumang pagsubok o hamon ng buhay. Panatilihimg masaya, nagkakaintindihan, buo at matagumpay ang bawat pamilya. Kung kinakailangang isakripisyo ang pansariling kapakanan, gawin natin alang-alang sa kapakanan ng bawat isa. Marahil ngayon atin nang maisasapuso at maisasagawa ang pagsang- ayon sa pasiya ng nakararami kung talaga namang itoy makabubuti sa nakararami. Gayunpaman, ating pagpapahalagahan ang mga tamang hakbang o proseso bago makapagpasiya. Kinakailangan nating suriin ang sanhi at pag-aralan bawat isa ang posibleng solusyon at ang maaaring kahihinatnan nito. Ayon nga kay aristotle "man is a rational being". Ang tao raw ay may angking galing at talino na may kakayahan na makapangatwiran at makapagpaliwanag kaya naman nakagagawa ng desisyon sa buhay. Meron tayong lahat nito, kinakailangan lamang nating linangin at paghusayin. Mga Wastong Hakbang na Dapat Sundin sa Paggawa ng Isang Pasiya
1. Alamin ang suliranin.
2. Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.
3. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.
4. Gumawa ng pasiya.
5. Pag-aralan ang kalalabasan ng ginawang pagpapasiya.​