Sagot :
Answer:
Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.