Sagot :
Answer:
pakikipag kapwa dahil lalong dumadami ang mga kakilala mo tama poyang sagut ko pabrainlist po plss
Answer:
ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN
Everyone wants friends… Everyone needs good friends…
Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem).
Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailangan ng malinaw na hangarin. Hindi ito ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto at sa kagalakan dahil sa presensya ng isang tao. Ang kaibigan ay hindi basta-basta mahahanap, hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Dumadaan ito sa isang mahaba at masalimuot na proseso.
Si Aristotle, isang Griyegong pilosopo, ay nagbigay ng makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan. Ang sabi niya, “Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan.”
Kung susuriin ang sumusunod na pakahulugan, makikita na ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao. Likas sa isang tao ang maghanap ng taong makakaugnayan dahil siya ay panlipunang nilalang. Ayon kay Aristotle (de Torre, 1980), natural na hangarin ng isang tao na makipagkaibigan sa kaniyang kapwa. Likas itong dumadaloy sa isang tao dahil likas sa kaniya ang magmahal. Walang sinuman ang pipiliin ang mabuhay na walang kaibigan kahit pa nasa kaniya na ang lahat ng mabubuting bagay. Kaya niyang makabuo ng ugnayan sa lahat ng taong kaniyang nakakasalamuha ngunit hindi lahat ng ito ay maaari niyang maging kaibigan. Ngunit mahalagang maunawaan na ang lahat ng malalim na pagkakaibigan ay nag-uugat sa isang simpleng ugnayang interpersonal. Kung kaya’t hangga’t hindi napagyayaman ang simpleng ugnayan na ito, hindi magiging posible ang makabuo ng malalim na pagkakaibigan.
Sinusuportahan ito ng paniniwala ni Emerson. Ayon sa kaniya, “Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.” Mas higit pa sa halakhak ang sayang maibibigay na makatagpo ng isang taong naniniwala at nagtitiwala sa iyo. Hindi madaling makahanap ng ganitong tao kung kaya’t talagang natatangi ang iyong magiging turing sa taong matatagpuan mong nagtataglay nito, tiyak na iingatan mo siya at aalagaan dahil nais mong maging pangmatagalan o panghabangbuhay ang inyong pagkakaibigan. Posible nga kaya na maging panghabangbuhay ang pagkakaibigan?
Sabi ni William James, “Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon”. Kung kaya dapat na unawain na kailangan ng pagsisikap upang tumagal ang pagkakaibigan. Ang pagsisikap ng sinuman na alagaan ang ugnayan sa isang kaibigan ang nagpapatingkad ng halaga ng isang samahan.
Mahalaga ring bigyang-pansin ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle. Makatutulong ito upang masuri ang uri ng pagkakaibigan na iyong iniaalay para sa iyong mga piniling maging kaibigan. Ang mga ito ay:
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito