👤

Nork.
3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.
Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado
norm​


Sagot :

Explanation:

B. TESIS

Explanation:

♦ Ang TESIS ay isang sulatin na may kinalaman sa masusing pananaliksik at pagtuklas patungkol sa isang bagay o tema na napunta sa manunulat. Ang tesis ay nagmula sa Latin thĕsis. Isang gawaing pananaliksik na ginagawa sa pagtatapos ng karera o kurso sa unibersidad. Pagpapalawak o pagpapalalim ng isang bagay para sa kaalaman ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang bagong karanasan o isang kritikal na pagsusuri na nag-aaplay sa natutunan. Ginagamit ang mga pamamaraang pang-agham.

♦ Ang TESIS ay isinasagawa ng isang indibidwal para sa katugunan ng pangangailangan sa kursong pinag-aaralan. Isa etong konklusyon, panukala, opinyon o teorya na sinusuportahan ng pangangatuwiran at impormasyong may katibayan. Ito ang ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.

♦ Ang TESIS ay isang disertasyon na bunga ng orihinal na pananaliksik. Eto ay tumatalakay sa iisang ispesipikong pananaw batay sa natuklasan na iniharap ng isang nagtapos bilang kahilingan, kwalipikasyon o pangangailangan sa kurso. Karaniwan nang tinutukoy ang tesis bilang isang proposisyon ng estudyante na handa niyang ipagtanggol o pangatwiranan.

♦ Ang TESIS ay bunga ng mapantas o mapanuring pananaliksik hinggil sa isyu o paksa na naukol sa kaniya. Ito'y katapusan ng matalinong paghahanap at pagugol ng oras upang tugunan mula sa pasimulang palagay hanggang sa masusing pagsusuri ng mga datos o impormasyon at pinatutunayan ng mga talababaan.

PORMAT NG TESIS

Bahagi I. (Ang mga paunang bahagi)

A. pamagat ng tesis

B. Pahina ng pagtanggap at pagpapatibay

C. Pagpapahalaga

D. Mga nilalaman

E. Talahanayan

F. Talaan ng pigura

Bahagi II. (Ang kabuuan)

A. Introduction

- Saligang pangkasanayan

- Balangkas teoretikal

- Paglalahad ng suliranin

- Mga pangunahing asumpsyon (palagay)

- Hipotesis

- Kahalagahan ng pag-aaral

- Saklaw at deliminasyon ng pag-aaral

- Katuturan ng mga katawagang ginamit

B. Mga kaugnay na pag-aaral at literatura

C. Pamamaraan at pinagkunan ng datos

D. Paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos

Bahagi III. (Talasanggunian)

- Bibliograpiya

- Apendises

- Indeks

PAGSULAT NG MGA BAHAGI

1. Introduksyon.

2. Sanligang pangkasaysayan.

3. Balangkas Teoretikal.

4. Paglalahad ng suliranin.

5. Ang asumpsyon

6. Hipotesis

7. Kahalagahan ng pag-aaral

8. Saklaw at deliminasyon ng pag-aaral

9. Katuturan ng mga katawagang ginamit

10. Mga kaugnay na pag-aaral at literatura

11. Pamamaraan at pagkukunan ng datos.

a. Pamamaraan historikal

b. Pamamaraang sarbey

c. Pamamaraang eksperimental.

12. Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng Datos.

13. Lagom ng natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon.