👤

Palanggar at unawaing mabuti ang pabula. Mga Hayop man, May Pakiramdam Din Ang Malungkot na Kalabaw Malungkot si Kalabaw. Mangyari, dumating na ang biniling maliit na traktora ni Mang Simo. Pang-araro at pansuyod iyon, alam niya. Panghila rin ng kariton. Kaya iniisip niyang wala na siyang silbi para kay Mang Simo tulad din naman ng lumang araro at suyod na dating gamit nito Tumigil sa pagmutmot ng damo at lumakad-lakad sa parang si Kalabaw. Sa di-kalayuan, nasalubong ni Kalabaw si Inahing Manok, "Kalabaw, bakit malungkot ka? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Inahing Manok. Sinabi ni Kalabaw kay Inahing Manok ang lahat. “Ngayon, wala na akong silbi. Hindi na ako kailangan ni Mang Simo." Walang sinabi si inahing Manok. Tumalikod ito at iniwan si Kalabaw. Itinuloy ni Kalabaw ang paglalakad-lakad hanggang sa makita niya si Kambing. "Alam mo Kambing nalulungkot ako!”, salubong niya rito. “Bakit?”, tanong ni Kambing. “Pakiramdam ko kasi'y wala na akong silbi para kay Mang Simo," aniya. "May traktora na siya para gumawa ng gawain ko." Nag-isip si Kambing bago sumagot. “Kaibigang Kalabaw, totoo ang sinabi mong iyon. Alam ko ngang higit pang mabuting pang-araro at pansuyod angtraktora kaysa sa iyo. Siguro, maging sa paghila ng kariton o anuman, higit na malakas kaysa sa iyo ang traktora”, sabi ng Kambing."Ngunit hindi mo ba naiisip na hindi lahat ng nagagawa mo'y kayang gawin ng traktora?”​