Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang suliranin ng katiwala sa parabula? Paano nalaman ng may-ari ang kaniyang gawain? 2. Ano sa tingin mo ang motibo o layunin ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang amo? 3. Sa iyong palagay, makatuwiran bang tanggalin sa trabaho ng may-ari o amo ang kaniyang katiwala dahil lamang sa sumbong? Bakit? 4. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, ano o ano-ano ang mga katangiang hahanapin mo sa isang empleado? Bakit? 5. Paano maiuugnay ang parabulang binasa sa mga pangyayari sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawang maaaring napanood mo sa telebisyon o napakinggan sa radyo o nabasa sa isang pahayagang may kaparehong tema o paksa ng tekstong binasa? 6. Ano-anong kultura at kaugalian ng taga-Syria ang masasalamin sa binasang parabula? 7. Itala mo ba ang mga Katotohanan, Kabutihan at Kagandahang Asal na nabasa mula sa teksto?