👤

Tukuyin kung ang paglalahad sa bawat bilang ay maiuugnay sa Bottom-up Approach o Top-down Approach. Isulat sa nakalaang patlang ang "BA" kung 'Bottom-up Approach' at "TD" kung 'Top-down Approach'

1. Ang mapagkukunang pinansiyal ay nagmumula sa pambansang pamahalaan.

2. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mamamayang naninirahan sa pamayanan

3. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.

4. Nanatiling pangunahing pangangailangan sa grass roots development ang pamumuno ng lokal na pamahalaan.

5. Tanging pananaw lamang ng mga namumuno sa national government ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

6. Ang lahat ng gawain sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas mataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.

7. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng gawain ang bukas na komunikasyon at kolaborasyon sa pagitan ng pamayanan at LGU.

8. Ang iba't ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa banta at vulnerabllities na nararanasan sa kanilang lugar.

9. Sa approach na ito, binibigyang pansin ang malliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan.

10. Isa sa mga katangian nito ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para sa matagumpay na istratehiya.​