Ang target game o larong pagtudla ay isang uri ng laro kung saan ang manlalaro ay sumusubok na ihagis, i-slide o i-swing ang pamato upang maabot o matamaan at madala o makuha ang target sa isang itinalagang lugar. Ang target games ay maaring isahan pangmaramihan. Ilan sa mga kilalalang target games na isahan ay palo sebo, luksong baka, sipa, billiards, bowling, golf, tatsing at batuhang bola. Ang tumbang preso, Bati-Cobra, Luksong Tinik, Ubusan ng Lahi, Siyato, Football , Soccer, Baseball at frisbee naman ay mga halimbawa ng target games na pangmaramihan 2 Activity Pyramid Guide Ang mga larong kabilang sa target games ay maaaring isagawa ng 3 - 5 beses sa isang linggo batay sa Philippine Physical Activity Pyramid. Ito ay nasa ikalawang antas (level) ng pyramid guide. Ang Philippine Physical Activity Pyramid Guide ay nahahati sa apat na antas kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa rekomendadong dalas (frequency) ng paggawa sa iba't-ibang gawaing pisikal. Bukod sa masayang laruin ang mga target games, may mga kakayahang nalilinang din ang madalas na paglalaro nito at marami ring magandang naidudulot ito sa kalusugan