👤

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang bumubuo ng iyong komunidad na iyong kinabibilangan gayundin ang matukoy ang mga impormasyon tungkol dito Naglalaman ang araling ito ng mga kaalaman tungkol sa iyong komunidad at bibigyang pansin nito ang mga batayang impormasyon tungkol dito. Basahin ang kuwento. Itala sa kuwaderno ang impormasyon tungkol sa komunidad. Ang Aking komunidad Nakatira ako sa Barangay San Gabriel. Kahit maraming pamilya ang nakatira rito, malinis pa rin ang aming kapaligiran. Lahat ng mamamayan ay tulong-tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bawat isa. Nagkakaisa ang mga tao rito. Si Ginoong Manuel Dela Rosa ang pinuno dito. May iba-ibang grupong etniko sa aking komunidad. May mga Ilocano, Muslim, Igorot, Tagalog, Kapampangan, at Bicolano. Iba- iba man ang pinagmulan at wikang sinasalita, kaming lahat ay pinagbubuklod ng cming pananampalataya sa iisang Diyos. May Iglesia ni Kristo, Katoliko, Muslim, at iba pang relihiyon, subalit hindi ito hadlang sa mapayapang samahan ng bawat isa sa aking komunidad. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano-anong batayang impormasyon ang isinasaad sa kuwento? 2. Mayroon bang pangkat-etniko sa iyong komunidad na katulad ng nasa kuwento? Ano ito? 3. Sa anong pangkat-etniko ka nabibilang? Anong relihiyon ang kinabibilangan mo? 4. Bakit kailangang malaman mo ang mga batayang impormasyong ito? 5. Ikaw, ano ang kuwento mo tungkol sa iyong komunidad?


Sagot :

Answer:

Moving water, thawing ice, hard winds, gravity–all these are physical agents of erosion, weathering and deposition that act upon exposed rock and sediments to produce landforms. Running water at a high gradient scours out canyons, gorges, gulches and ravines