Pagtataya: 1.Paano mo mapahahalagahan ay maipagmamalaki ang sariling kultura? A.Hadlangan ang pagpasok ng ibang lahi sa aking bansa B.Ipakilala at Ibahagi ang aking kultura sa ibang bansa C.Tanginf kultura ng aking bansa lamang ang tatangkilikin D.ipagmalaki na mas nakahihigit ang kultura ng aking bansa 2.Alin sa mga sumusunod ang mga relihiyon na sumibol sa Asya? I.Hinduismo II.Islam III.Kristiyanismo IV.Protestantismo A. I,II,at III B.I,II,at IV C.I,III,at IV D.II.III.at IV 3.Bakit mahalaga na kilalanin ang iba't-ibang kultural na heograpiya sa daigdig? I.Mapagyayaman nito ang ating kaalaman II.Magkakaroon tayo ng maraming kaibigang bansa III.Mahahadlangan nito ang mga sigalot sa hinaharap IV.Magiging daan ito upang mapaunlad ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng malawak na pakikipag-ugnayan A.I at II B.I,II,at III C.III at IV D.I,II,III,at IV 4.Mayaman sa paniniwala o relihiyon ang daigdig.Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga dito sa kabila ng pagkakaiba? I.Pag-iwas sa mga turo at gawain ng ibang relihiyon II.Pakikipagkaibigan sa kapwa na may ibang paniniwala III.Paggalang sa kanilang paniniwala at paraan ng pagsamba IV.Pagkakaroon ng bukas na isipan at respeto sa paniniwala ng iba A.I at II B.I,II,at III C.III at IV D.I,II,III,at IV 5.Paano maiiwasan maging daan ng sigalot sa daigdig ang pagkakaiba sa kultural na heograpiya? I.Iwasan ang mapanakit na pagpuna II.Paunlarin ang kaalaman at pag-unawa sa iba't ibang kultura III.Magpakita ng magalang na pagkilala sa kultura ng iba IV.Magpahayag ng saloobin at opinyon ukol sa kultura ng iba ng may respeto at pang-unawa A.I at II B.I,II,at III C.III at IV D.I,II,III,at IV Formative Test2:Q1W3D2 Pagtataya: 1.Sino ang nakatuklas ng Kontinente ng Amerika? A.Amerigo Vespucci C.Ferdinand Magellan B.Christopher Colombus D.Sebastian Cabot 2.Sa kanya kinuha ang pangalan ng Amerika dahil sa pag-aakalang siya ang nakatuklas nito. A.Amerigo Vespucci C.Ferdinand Magellan B.Christopher Colombus D.Sebastian Cabot 3.Ang tinawag na "Bagong Daigdig" (New World) ni Christopher Colombus dahil sa madaragdag ito sa mapa ng daigdig. A.Africa B.Ameirica C.Antartica D.Australia 4.Ang Europa ay nagmula sa salitang Phoenician na "Erob" ,ano ang tunay na kahulugan nito? A.kung saan sumisikat ang araw B.kung saan lumulubog ang araw C.kung saan naninirahan ang diyos D.kung saan ang Hardin ng Eden 5.Sino ang unang gumamit ng salitang Africa na tumutukoy sa bahagi ng Tunisia at Algeria? A.Egyptians B.Greeks C.Phoenicians D.Romans