Aralin Katangiang Pisikal ng 1 Daigdig Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang estruktura ng Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan heograpiya ng Daigdig na may komprehensibong pagsusuri sa limang tema nito. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon upang maipakita ang ugnayan ng kasaysayan at heograpiya Sirnulan mo na at Balikan Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog sa araw na bumubuo ng solar system. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito e Batay sa larawan, saan matatagpuan ang planetang daigdig sa solar system? Ano-anong katangian ng daigdig ang nakapagpapanatili ng buhay? OO