Sagot :
Answer:
Ang Kilos ng Tao (Acts of Man)
ay tumutukoy sa kalikasan ng tao. Ito ay mga pagkilos na bunga ng biyolohikal at pisyolohikal na proseso ng katawan ng tao
Mga katangian ng kilos ng tao :
- Hindi sinasadya o walang pagkukusa
- Walang pananagutan
- Hindi ginagamitan ng isip o kilos-loob
- Walang kamalayan
- Kawalan ng atensyon
- Paggamit ng pandamdam (5 senses)
Dagdag Kaalaman:
Ang mga kilos ng sanggol at mga taong nawala sa katinuan ay matuturing din na kilos ng tao. May mga kilos din ang hayop na tulad din sa tao halimbawa; pagtulog at ang paggamit ng limang pandama nito. Subalit may mga ilang kilos ang tao na nagiging makataong kilos kung ito ay sinasadya at bibigyan ng atensyon. Halimbawa ng mga ito ay ang paggamit ng ating paningin at pandinig. May mga bagay na hindi natin sinasadyang makita at marinig, subalit kung ito ay pag-uukulan natin ng pansin ito ay nagiging makataong kilos.