lll.panuto:iguhit ang mukang masaya kung tama at malungkot ☹️ naman kung mali ang iyung mararamdaman sa bawat sitwasyon.
1. Ikaw ay may talento sa pagkanta, niyaya ka ng iyong kasamahan sa simbahan na sumali sa kanilang choir ngunit sinabihan ka ng iyong barkada na huwag na dahil aksaya lamang ito sa oras. 2. May proyekto kayo sa Esp na ipapasa sa Huwebes, niyaya ka ng iyong mga kaklase na sabay kayong gumawa ng proyektong iyon para masaya at makapagbigay ng opinyon sa isa't isa upang maging maganda ang kalalabasan nito. 3. Gusto mong bumili ng bagong MP3 player ngunit ang ibinigay na pera sa iyo ng iyong nanay ay sapat lamang para ipambili mo ng iyong materyales para sa sasalihan mong paligsahan. Sinunod mo ang payo ng iyong kaklase na ibili na lamang ang pera ng MP3 dahil kailangan mo din naman ito sa inyong Music subject. 4. Gutom kayo ng kaibigan mo at walang makain. Sinabihan ka na kunin ang pitaka na nasa bag ng kaklase mong katabi kapag siya ay umalis. 5. Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay tungkol sa paglilinis sa inyong lugar. Nagdadalawang-isip ka dahil mas nais mong nasa bahay na lang at manood ng telebisyon