- Subukin Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay uri ng laro kung saan ang manlalaro ay makakukuha ng puntos sa pamamagitan ng pagtama ng isang bagay at pagtakbo ng hindi mahuhuli ng kalaban papunta sa base. A. Target game B. Striking o fielding game C. Softball D. Badminton
2. Ito ay halimbawa ng larong striking o fielding games. A. Tatsing B. Kickball B. Tumbang preso D. Batuhang tsinelas
3. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan ng larong striking o fielding games maliban sa isa. A. rattan na bola/bola ng football B. goma o manipis na table C. beanbag bilang base D. ruler
4. Ano ang layunin ng larong striking o fielding games? A. Masalo ang bola. B. Matumba ang mga manlalaro. C. Maibato ito ng malakas at malayo. D. Masipa ito ng malakas at malayo upang makapunta sa base.
5. Ang larong striking o fielding game ay mainam na paraan upang mapaunlad ang A. Balance B. Flexibility C. Time Reaction D. Cardio-Vascular Endurance
6. Batay sa Philippine Activity Pyramid, ang striking o fielding games ay maaaring isagawa ng A. araw - araw B. isang beses sa isang linggo C. 2-3 beses sa isang linggo D. 3-5 beses sa isang linggo
![Subukin Panuto Basahin Nang Mabuti Ang Bawat Tanong At Piliin Ang Titik Tamang Sagot Isulat Ang Iyong Sagot Sa Sagutang Papel 1 Ito Ay Uri Ng Laro Kung Saan An class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d59/fd75724515d209689b68a4cb72b66c80.jpg)