👤

1. Ang Pilipinas ay isang bansa na tirahan ng mga Filipino. Ano ang tawag sa pag- aaral ng pisikal at kaugnayan nito sa pamumuhay ng tao?
A. mapa
B. globo
C. kontinente
D. heograpiya

2. Mahahanap mo ang isang lugar kung may makikita kang batayan. Ano ang tawag sa patag na paglalarawan O representasyon ng kabuoan o bahagi ng mundo?
A. batayang aklat
B. kalendaryo
C. mapa
D. globo

3.Ang Pilipinas ay tinawag na “Perlas ng Silangan”. Saang lupalop ng daigdig matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog-Silangang Asya
B. Timog-Kanlurang Asya
C. Hilagang-Silangang Asya
D. Hilagang-Kanlurang Asya

4. Upang makilala ang isang lugar sa ibabaw ng mundo o ibang lugar, mahalagang malaman mo ang lokasyon nito. Ano ang tawag sa pagtukoy sa isang lugar sa pamamagitan ng latitude at longhitude o paggamit ng sistemang grid?
A. Insular
B. Bisinal
C. Relatibong lokasyon
D. Absolute na lokasyon

5. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa kapuluan ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay binubuo ng higit 7,107 malalaki at maliliit na pulo.
B. Ang Pilipinas ay bansang napaliligiran ng anyong tubig.
C. Ang Pilipinas ay tinaguriang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko.
D. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa gawing ibaba ng ekwador.

6. Ang heograpiya ay pagsulat o paglalarawan ng katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo.
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Upang maging sikat at makilala ang isang bansa.
B. Upang magkaroon nang maayos na trabaho ang mga tao.
C. Upang maging mayaman ang isang bansa.
D. Upang malaman ang mga lugar at taglay na mga yaman nito.

7. Malaki ang nasasakupan ng Pilipinas kung titingnan ang hangganan nito. Bakit mahalagang matukoy
ang teritoryo ng Pilipinas?
A. Upang mabigyan ng tamang pamamahala.
B. Upang mabigyan ng seguridad ang bansa.
C. Upang mabigyan ng karangalan ang bansa.
D. Upang mabigyan ng kaunlaran ang bansa.

8. Ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga kalupaan at katubigan. Anong bansa ang matatagpuan sa timog ng Pilipinas?
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Indonesia
D. Vietnam

9. Ang Line of Parallel ay pahigang imahinasyong guhit sa mapa. Alin sa sumusunod ang pinakamalaking bilog na likhang isip na guhit na makikita sa gitnang bahagi ng mapa na humahatisa mundo patimog at pahilaga?
A. Tropiko ng Kaprikornyo C. Ekwador
B. Tropiko ng Kanser D. Kabilugang Arktiko

10. Bakit mahalaga ang ugnayan ng lokasyon sa kasaysayan?
A. Upang maging kapaki-pakinabang ang isang bansa.
B. Upang maipakita kung bakit naganap ang pangyayari.
C. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman.
D. Upang maging mabuting mamamayan.

11. Ang Pilipinas ay nagmula sa pagpupukulan ng tipak-tipak na lupa at malalaking bato. Ito ay batay sa

A. Mito B. Relihiyon C. Tektonik D. Bulkanismo

12. Ito ang teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas dahil sa pagputok ng bulkan na nakahanay sa Pacific Ocean noong panahong Teriary.
A. Mito B. Relihiyon C. Teknonik D. Bulkanismo

13. Ang paggalaw ng lupa na naging daan upang mabasag ang malalaking masa ng lupa na nag-uumpugan, nagkikiskisan at nagtutulakan.
A. Maalamat B. Mga mito at relihiyon C. Teknonik D. Bulkanismo

14. Ang teoryang ito ay nagsasabing ang Pilipinas ay bahagi ng continental shelf o isang malaking nakauslingbahagi ng lupain ng Asya.
A. Coral reef formation C. Mala-espirituwal
B. Tulay na lupa D. Mga mito o relihiyon

15. Ayon sa teoryang ito, ang Pilipinas ay nagmula sa Pangaea at humiwalay lamang na kasabay ng iba pang masa ng lupa.
A. Continental Drift C. Mala-espirituwal
B. Tulay na lupa D. Mga mito o relihiyon

16. Tawag sa teorya ng pinagmulan ng Pilipinas batay sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Bulkanismo B. Teorya ng Continental Drift
C. Teorya ng Tectonic Plate D. Teorya ng Tulay na Lupa

17. Ayon sa teoryang ito, ang Pilipinas ay dating bahagi ng kalakhang Asya sa pamamagitan ng mga lupaing nakadugtong sa mga bansang Indonesia, Malaysia, at Taiwan?
A. Teorya ng Bulkanismo B. Teorya ng Continental Drift
C. Teorya ng Tectonic Plate D. Teorya ng Tulay na Lupa

18. Batay sa larawan, paano nabuo ang Pilipinas?
A. Nilikha ng Diyos ang mga kalupaan at katubigan sa loob ng anim na araw.
B. Iisang kontinente lamang dati na unti-unting naghiwalay kasama na ang mga pulo ng bansa.
C. Magkakahiwalay noon ang mga kontinente hanggang lumubog ang mga ito
D. A and B ang wastong sagot.

19. Anong katangian ang ipinamalas ng mga sinaunang Filipino sa paglahad ng mga mito tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. Pagiging matiyaga sa pagsusulat ng mga mito
B. Pagiging madasalin upang tumalino at makapag-isip
C. Pagiging makabansa na nais malaman ang tungkol sa Pilipinas
D. Pagiging mapagmasid sa ginagalawang kapaligiran

20. Ano ang salaysay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas batay sa relihiyon?
A. Kusang lumitaw ang mundo kasama na ang kapuluan ng Pilipinas.
B. Hinulaan ng pari at opisyal ng simbahan ang pinagmulan ng Pilipinas.
C. Nilikha ng isang makapangyarihang Diyos ang mundo at Pilipinas.
D. Walang wastong sagot.

please test ko po


Sagot :

Answer:

points lang hahhhah nilikha nila tapos yung online kopyahan may pangatlo pa

Go Training: Other Questions