Sagot :
Answer:
INSTRUMENTAL - tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
Halimbawa:
Isang batang lalaki na sumusulat ng tula
para sa kaniyang takdang-aralin
2. REGULATORYO - tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Halimbawa:
Isang doctor na nagbibigay ng tagubilin sa kanyang
pasyente sa mgadapat at hindi dapat na
gawin upang hindi lumala ang kanyang kondisyon.
3. INTERAKSIYONAL - nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Halimbawa:
Tatlong magkakaibigan na nagbibiruan sa isa't isa.
4. PERSONAL - pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Halimbawa:
Pagsulat sa diary o journal para maibahagi ang iyong saloobin
na tanging ang iyong sarili at ang diary ang nakaka-alam.
5. Heuristiko - pagkuha at paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan.
Halimbawa:
Isang mag-aaral na naghahanap ng impormasyon tungkol sa
kanilang pananaliksik sa isang halamang gamot.
6. Impormatibo - kabaliktaran sa heuristiko. pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
Halimbawa:
Mga tagapagbalita na nagbibigay impormasyon tungkol
sa kalagayanng ating bansa.