1. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan? a. paaralan b. pamilya c. pamahalaan d. barangay 3 2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan? a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba't ibang institusyon ng lipunan. b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya. c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa. 3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas? a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya. c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela. d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya't inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak 4. "Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa." Ano ang ibig sabihin nito? a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan. b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan. d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan. 5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito? a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao. b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba. c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa. d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata. 6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan b. Pagkakaroon ng mga anak d. mga patakaran sa pamilya 7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan? a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)? a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak. b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa. c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan. d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.