B. Panuto: Gamit ang mga pahayag sa pagbibigay patunay, sumulat ng isang talata na magpapatunay na ang kuwentong bayan ay nakatutulong upang bigyang pansin at pahalagahan ng mga Pilipino ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan
Answer:
Halaga ng k’wentong bayan. “Maraming gamit ang mga k’wentong bayan para sa mga bata: malinang ang mahusay na pagpapasya, mamulat sa ibang kultura, makapagdulot ng mabuting asal, mapahalagahan ang ibang tradisyon, tumuklas ng ibang pananaw at makaarok sa mga arketipong tunay na bukal ng kabihasnan at kadakilaan,” ani De Leon.
“Malaki ang maitutulong ng k’wentong bayan upang masanay magbasa ang mga bata at mabuksan ang hilig sa kwento,” dagdag pa niya.
Dahil sa ilang ulit nang nagpasalin-salin ang mga k’wentong bayan, ang mga ito ay nabigyan na ng anyo na madaling maunawaan at matandaan ng mga kabataan kung kaya’t madali na sa kanilang kilalanin ang mga tauhan at sundan ang banghay o plot ayon kay De Leon. “Habang nagpasalin-salin sa maraming henerasyon, ang mga k’wentong bayan ay humuhubog ng pagkatao at tumutulong sa pagbigay pag-asa tungo sa makabuluhang buhay. Naipaloob sa mga k’wentong bayan ang mga magagandang katangian tulad ng malasakit, pagkamalikhain, pagtitiwala at katapangan gaya ng k’wento ni Bernardo Carpio,” aniya.
Study hard! Goodluck!