👤

II. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang salitang EKONOMIKS kung ang pahayag ay naglalahad ng katotohanan at HEOGRAPIYA naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

14. Ang kahulugan ng oikonomia na pinagmulan ng salitang ekonomiks ay pamamahala ng sambahayan.

15. Mahalaga ang trade off sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya

16. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan

17. Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ek onom ik supan g maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.

18. Ang kaalaman sa pagtutuos ng buwis ay makakatulong upang maunawaan at masuri ang kanilang kontribusyon sa taunang kita ng pamahalaan

19. Ang kaalaman tungkol sa kakapusan at kakulangan sa mga pangangailangan ay magtuturo sa mga indibidwal na magtipid at magbigay ng pagpapahalaga sa mga pinagkukunang yaman.

20. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay makakatulong sa pagdesisyon nga bawat kasapi ng pamilya sa pagbadyet ng kanilang pinagkukunang yaman.​