👤

ekondar
Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang
iyong nakaimbak na kaalaman. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga mahahalagang
pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa
bawat pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian
3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng
emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan
B. Kalutasan
C. Kasamaan
D. Kasukdulan
4. Sa kuwentong "Ang Ama" na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging
magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siya ay
magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawan ng iba't
ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga
mambabasa
A. Tahanan
B. Tagpuan
C. Tauhan
D. Tunggalian
6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema. Halimbawa
nito ay ang tao laban sa tao.
A. Suliranin
B. Problema
C. Tunggalian
D. Tugmaan​