👤

Puri sa harap,Sa likod paglibak meaning​

Sagot :

Answer:

May mga tao talaga na hindi natin mapipilit upang magustuhan ang ating mga ginagawa. Yung iba naman ay harap-harapan talagang nagsasabi ng totoo sa mga hindi nagustuhan sa atin. Yung iba naman, nagpapakita naman ng pakikisama at pakikibagay, ngunit sa ating pagtalikod ay mga sinasabi na palang hindi magagandang salita tungkol sa atin. Kadalasan ang mga pinagsasabi nila ay binabawasan o kaya naman ay dinadagdagan.

Hindi naman tayo perpekto sapagkat tayo ay mga tao lamang. Ngunit, sa ating mga gawain, sinusubukan natin palagi na maibigay ang lahat ng ating makakaya upang makamit at maihatid kung ano ang inaasahan mula sa atin.

Gayunpaman, talagang may ilang mga tao na gustong humusga kahit na kaunti lamang ang alam nila o wala man lang tungkol sa atin.

Kapag nagawa naman natin na matagumpay na maihatid ang mga inaasahan sa atin, may posibilidad naman na ang mga tao ay hahatulan pa rin at sasabihan tayo ng hindi maganda tungkol sa atin. Dahil ang katotohanan sa buhay ay ang ilang mga tao ay palaging makakakita ng kumpetisyon sa lahat ng bagay na para bang ayaw nilang sila ay mahuli na dapat ay palagi lamang na sila lamang ang nakikitang magaling at may kakayahang gumawa ng isang bagay.

Ngunit, bilang isang taong may hangarin na mabuti sa buhay, dapat nalang natin ilagay sa ating isipan na baka may pinagdadaanan ang taong ito na mapanghusga at may hindi kaaya-ayang ugali. Dahil ang pagkakaintindihan ay nagsisimula pa rin sa pagpili na umintindi sa isang taong hindi nagpapakita ng mabuti sa kanyang kapwa-tao.

#brainlyfast