👤

ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan​

Sagot :

Answer:

ANG KAHULUGAN NG KALAYAAN - Ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang katangian ng kilos - loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.

Ang kalayaan ay ang kakayahan ng tao na gamitin ang kaniyang kilos - loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ang nagtatakda ng kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Subalit ang kalayaan ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kaniyang pagpili. Hindi sakop ng kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng piniling kilos.

Explanation: