👤

Paano sumikat ang kabihasnang Sumer

Sagot :

Answer:

Kasaysayan at Pamahalaan:

Sa simula pa lamang ng kasaysayan ng mga Sumerian, nakapagtayo na sila ng mga lungsod. Bago matapos ang 3000 BCE, naitatag na rito ang malalaking lungsod tulad ng Ur, Erech, Eridu, Nippur, Kish, Larsa, Lagash, at Umma.

Lipunan at kultura:

Cuneiform ang kanilang paraan ng pagsulat na may 600 na pananda.

Nakapagtayo ng maganda at matibay na elementong pang-istruktura tulad ng dome, vault, rampa, at ziggurat o templong kadalasang may pitong palapag.

Unang gumamit ng inhenyera, arkitektura, at agham.

Ekonomiya:Pagsasaka

Matatag na industriya ng kalakalan

Nagtatanim ng butil, dates, at gulay

Unang gumamit ng sistema ng panukat at panimbang

Unang nagtatag ng organisadong pwersang paggawa habang nagtatayo ng mga dike na naging sanhi ng pag-unlad ng ekonomiya

Ambag:

Unang nakaimbento ng gulong at karwahe na hila ng asno

Paggatas ng baka

Paghabi ng mga mamahaling lana at lino bilang kalakal

Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan---- ang paggamit ng cacao bilang pamalit ng kalakal

Unang lungsod-estado

Paggamit ng prinsipyo ng algebra at ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60Kalendaryong lunar na may 12 buwan

Paggamit ng cuneiform at pagsulat sa luwad

Paggamit ng laryo na yari sa luwad (clay tablet)

Dome at vault sa arkitektura at inhenyera

Pag-oopera

Pugon

Fraction at square root

Prinsipyo ng calculator

Unang organisadong pwersang paggawa

Unang gumamit ng hayop (toro) sa pag -aararo