Alamin Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: a. nakakikilala at nakatutukoy ng mga pangkalahatang sanggunian; b. napahahalagahan ang paggamit ng mga pangkalahatang sanggunian; at nakagagamit ng mga pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan. Balikan/Pangganyak Naaalala mo pa ba ang aralin tungkol sa Panghalip na Panao? Sagutin ang sumusunod. Isulat ang A kung ang panghalip ay nasa kaukulang Palagyo, B kung ito ay nasa kaukulang Paari at C kung nasa kaukulang Paukol. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Kinausap niya ang kapitan ng barangay para sa proyektong pangkapaligiran. 2. Natutuwa ang buong klase dahil sa malikhaing paraang ginawa niya sa pagpakilala sa mga mag-aaral. 3. Para sa kaniya, kailangang tulungan ang mga magulang upang makatipid sa gastusin sa bahay. 4. Tumugon ang kapitan sa panawagan nila. 5. Ginampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang isang mabuting anak. 7