Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto, pagkatapos, sagutin ang mga tanong hinggil dito. Isulat sagot sa sagutang papel. Kilala ang Mindanao sa may pinakamaraming naninirahang pangkat- etniko ng bansa. Isa na sa mga pangkat-etnikong ito ay ang mga kapatid nating Blaan. Karamihan sa kanila ay nakatira sa probinsiya ng South Cotabato. Naging tanyag ang tribong ito dahil sa yaman at makulay nilang tradisyon at kultura. Ilan sa mga ito ay ang kanilang tradisyonal na sayaw at mga awitin gamit ang kanilang sariling wika. Nakilala rin sila sa kanilang angking talento sa paggawa ng mga native costume na gawa sa abaca at dinidisenyohan ito sa pamamagitan ng pagbuburda at paglalagay ng mga maliliit at makukulay na butil (beads). Ayon sa kanila bago nila nabubuo ang mga disenyo ito ay nagkakaroon muna ng ritwal na ang tanging nakakalaam lang ay ang mga gumagawa nito at naniniwala rin sila na ang mga disenyong kanilang nagagawa ay dahil sa tulong ng I'nilong (fairies) isa sa mga tagapangalaga ng kalikasan. Patunay lamang ito na kapatid nating mga Blaan ay gumagawa ng may dedikasyon. Dahil sa kanilang kasipagan ay maraming ng mga Blaan na nakapagtapos ng pag-aaral at nagtatrabaho sa ating gobyerno at makikita sa kanilang ang dediksasyon sa trabaho. Sila ang mga Blaan, kapwa natin Pilipino.
Paano inilarawan ang mga Blaan sa maikiling talatang iyong binasa? ________________________________________________________