👤

Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.

A.Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B.Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor.
C.Makakabawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D.Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning Pangkapaligiran.


Sagot :

Answer:

Suliraning Pangkapaligiran

Mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran sapagkat malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor. Ang tamang sagot ay letrang B.

Explanation:

Ang isa sa mga pinakaseryosong suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ngayon ng mundo ay ang nagbabagong klima o climate change. Ito ay isang suliraning pangkapaligiran na patuloy na nilalabanan ng buong mundo. Ayon sa mga eksperto, kung hindi ito mapipigilan ay maaaring tumaas ang antas ng karagatan sa taong 2050, at ito ay magpapalubog sa mga mabababang baybayin. Anila, may oras pa naman ang mga tao at kinakailangan lamang na magkaroon ng kooperasyon ang pamahalaan at ang mga mamamayan tungkol sa pagsugpo sa nagbabagong klima.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/2670069

#BrainlyEveryday