Tayahin Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pumili ng isa. Mula rito , bumuo ng sariling salawikain at/o kasabihan. Gamitin ang pamantayan sa pagbuo ng sariling salawikain /kasabihan.
1. Kaarawan ng matalik mong kaibigan, ang hiling niya na nandoon ka sa araw ng kanyang kaarawan nagkataon na ECQ sa inyong lugar at hindi ka papayagan ng nanay mo. Ayaw mong saktan ang damdamin ng iyong kaibigan at pagsuway sa magulang mo.
2. Sa pagpasok ng pasukan sa taong 2020-2021, maraming pagbabago lalo na sa pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro. Walang kakayah ang magulang mo na paaralin ka lalo na malayo ang inyong tirahan sa paaralan. Alam mong nagdaranas tayo ng pandemic sa kasalukuyan naghihinayang ka kung hindi ka makapasok sa taong ito pero nakikita at alam mo ang sitwasyon ninyo.