Ayon kay Catacataca at Espiritu, mas naging tumpak at kapani-paniwala ang pangaral ng Kristyanismo noong magmula ito mismo sa bibig ng mga pari at hindi sa tagasalin o interpreter. Ano ang ipinakikita ng pananaw na ito? A. Higit na makatotohanan sa kausap ang isang pahayag kung ang wikang iyong gagamitin ay ang wikang kaniyang nauunawaan. B. Madaling nalinlang ng mga Espanyol ang mga katutubo dahil sa paggamit nito ng wikang Kastila. C. Inaral ng mga katutubo ang wikang Kastila upang maunawaan ang mga pangaral ng pari. D. Isa sa kapangyarihan ng wika ay ang makapaglahad ng saloobin sa mabisang paraan.