falin) Basahin ninyo nang tahimik ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos, Isulat ang mga sagot sa inyong kuwaderno. > Salita Nasa Huli ang pagsisisi Isang araw, isang lalaking gula-gulanit ang damit at malaki ang pangangatawan Mag nagpunta sa kakahuyan. Tumingi-tingin ito sa ilang malalaki at matitigas na puno. Mayamaya, nakapili ito ng isang maliit at tuwid na sanga ng nara. "Tamang-tama ang maliit na sangang ito sa aking pangangailangan," ang wika niya. "Maaari ko na itong putulin." "Bakit nga ba hindi? Para iyan lamang! Sulong, pumutol ka ng sukat na iyong kailangan," ang tugon ng punong nara na habag na habag sa lalaki. Pinutol ng lalaki ang kapirasong sanga ng nara. Hinugis niya ito at inilapat sa ulo ng palakoi na kanyang dala. Ayos na ayos. Matibay na matibay ito. Sinimulan ng lalaki ang pagtigpas ng malalaki at matitigas na puno sa kakahuyan. Putol dito, putol doon ang kanyang ginawa. Mayamaya pati ang malaking puno ng nara ay tinigpas na rin niya. "Naku po!" ang buntong-hininga ng punong nara. "Dapat sana ay inisip ko muna ang maaaring ibunga ng aking pagmamagandang-loob," ang panaghoy nito bago tuluyang bumagsak sa lupa. Sagutin. 1. Ano ang ayos ng lalaking nagpunta sa kakahuyan? 2. Sino ang nahabag sa lalaki? 3. Ano ang ginawa ng lalaki sa malalaki at matitigas na mga puno? 4. Bakit nagsisisi ang nara sa pagtulong sa lalaki? 5. Anong aral ang napulot ninyo sa kuwento?